|
Isdang tilapia sa Ramon Isabela, bagsak presyo dahil sa fish kill |
|
|
|
|
Written by Admin
|
|
Wednesday, 24 February 2010 15:42 |
| Bombo Radyo |
| 2/25/2010 12:12:41 AM |
CAUAYAN CITY, Isabela - Nagbagsak na ng presyo ang mga nag-aalaga ng tilapia sa Ramon, Isabela dahil sa patuloy na pagkamatay ng kanilang mga isda dulot ng tagtuyot.
Hindi lamang ang mga may-ari ng fish pen ang apektado ng tagtuyot kundi maging ang mga may-ari ng fish cages sa Magat Dam dahil sa patuloy na pagbaba ng water elevation nito.
Ibinagsak ng mga mangangalakal sa halagang P40 ang bawat kilo ng tilapia dahil paunti ng paunti ang kanilang naaaning isda.
Habang bumababa ang antas ng tubig ng Magat Dam ay umiinit din ang tubig nito na siyang dahilan ng pagkamatay ng mga isda.
|
|