|
2 Grade 3 pupil, patay sa pagkalunod sa Isabela |
|
|
|
|
Written by Admin
|
|
Wednesday, 24 February 2010 15:29 |
| Bombo Radyo |
| 2/20/2010 7:36:53 PM |
CAUAYAN CITY, Isabela - Labis ang pighati at dalamhati ngayon ng mga magulang ng dalawang bata na nasawi sa pagakalunod sa isang sapa sa Santo Ninio, Jones, Isabela.
Ang mga biktima ay kinilalang sina Jomar Vesta, 10, at John Marc Baligod, 9, kapwa Grade 3 pupil sa Santo NiƱo Elementary School sa nasabing bayan.
Sa imbestigasyon ng PNP San Agustin, lumabas ang dalawa kasama ang apat pa na mga bata mula sa kanilang paaralan dakong alas dose ng tanghali habang sila ay nasa lunch break at nagtungo sa sapa para maligo ng walang paalam sa kanilang guro na si Bb. Ronalyn Dingle.
Nagtulakan at naghilaan ang mga bata habang sila ay naliligo sa sapa at hindi umano namalayang nakarating na sila sa malalim na bahagi at doon na nalunod.
Humingi ng saklolo ang mga kasama ng dalawang bata at agad namang tumugon ang mga opisyal ng barangay subalit patay na sila nang maiahon sa sapa.
|
|
|
Last Updated on Wednesday, 24 February 2010 15:34 |